SOLUSYON | Emergency powers, iginiit ni PRRD para maresolba ang problema sa EDSA

Manila, Philippines – Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya mareresolba ang problema ng trapiko sa EDSA kung hindi maibibigay sa kanya ang emergency powers.

Ayon kay Pangulong Duterte – mahalaga ang emergency powers para makabili at makapag-gastos siya ng mga kinakailangan na hindi na dumadaan sa bidding.

Aniya, ang emergency powers ay dati na ring ibinigay kina dating Pangulong Ferdinand Marcos at Cory Aquino para resolbahin ang problema sa kuryente noon.


Pero sinabi ng Pangulo na tila ilang miyembro ng Kongreso ay hindi pabor dito para ayusin ang trapiko ng EDSA.

Kaya inihayag ng Pangulo na manatili at magtiis na lang ang kasalukuyang sitwasyon ng EDSA.

Aminado ang Pangulo na maraming proposals ang isinusulong para masolusyonan ang trapik sa EDSA pero hindi niya alam kung kailan pa ito maipatutupad.

Facebook Comments