SOLUSYON | High-paying jobs, daan para mapalaya ang mga Pilipino mula sa kahirapan

Manila, Philippines – Kinatigan ni Senador Sonny Angara ang report ng world bank na ang pagbibigay ng mataas na sweldo ang daan para makalaya mula sa kahirapan ang mga Pilipino.

Tinukoy din ni Angara ang record na noong 2015 ay umaabot na sa 22-milyong mga Pilipino o one-fifth ng ating populasyon ang nasa ibaba ng national poverty line.

Katwiran ni Angara, malinaw na kahit umuunlad ang ating ekonomiya ay maayos na trabaho pa rin na may mataas na pasahod ang susi laban sa kahirapan.


Kaugnay nito ay kinikilala naman ni Angara ang inisyatibo ng Administrasyong Duterte na mabigyan ng oportunidad para makapagtrabaho ang bawat Pilipino.

Patunay aniya nito ang survey ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nagsasabing bumaba sa 5.3 percent ngayong taon ang dating 6.6 percent unemployment rate o bilang ng mga walang trabaho sa bansa.

Facebook Comments