SOLUSYON? | Mas pinalakas na human security act, tugon sa serye ng pagpapasabog sa bansa

Manila, Philippines – Iginiit ni Senate President Tito Sotto III ang kahalagahan na maipasa agad ang pinalakas na human security act bilang tugon sa serye ng mga pagpapasabog sa bansa kung saan pinakahuli ay naganap sa Sultan Kudarat.

Nakakasiguro si Sotto na ang human security act ang magpapalakas sa pakikipaglaban natin sa terorismo.

Sa tingin ni Sotto, ang Pilipinas ang pinakamaluwag ngayon sa rehiyon ng Asya kaya tayo ay nalulusutan ng mga pag-atake o mga karahasan.


Diin pa ni Sotto, magiging magaling na kumbinasyon ang human security act sa kakapasa lang na batas para sa pagpapatupad ng national ID system.

Facebook Comments