Wednesday, April 8, 2026

Solusyon ng mga negosyante at oil firms sa mahal na langis, inilatag sa Malacañang

Pinulong ng Malacañang ang ilang major business groups para talakayin ang mga hakbang laban sa epekto ng pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Kabilang dito ang 22 lider mula sa 9 na business groups at 25 executives ng 14 na kumpanya ng langis.

Sa pulong, ipinabatid na sapat ang suplay ng langis sa bansa na aabot sa 50 araw.

Iginiit naman ng mga negosyante ang pagbawas sa gastos sa logistics, kung saan 70% ng movement cost ay mula sa diesel.

Kabilang sa mga mungkahi ang pag-ayos ng port congestion, pagbubukas ng container yards sa labas ng Metro Manila, at pag-review ng truck ban hours upang maiwasan ang delay sa delivery.

Tinalakay rin ang pagpapabilis ng online processing ng dokumento, pagbawas ng ilang bayarin sa LGUs, at pagtanggal ng hindi kinakailangang checkpoint, lalo na sa mga produktong madaling masira.

Kaugnay nito, hinimok rin ng Palasyo ang pribadong sektor na magpatupad ng energy-saving measures at flexible work arrangements, at umiwas sa hindi patas na pagpepresyo.

Facebook Comments