Manila, Philippines – Ang pagpapaunlad sa lokal na industriya ng bigas sa bansa ang nakitang solusyon ng grupong Bantay Bigas upang matigil na ang rice smuggling.
Ito ang pahayag ni Bantay Bigas Spokesperson Cathy Estavillo sa panibagong kaso ng pagpupuslit ng may 200 container na naglalaman ng P250 million halaga ng imported rice na na- intercept ng Bureau of Customs (BOC).
Sinamantala aniya ng mga smuggler ang pag-aangkat ng bigas ng NFA na isinabay din ang pagdating sa bansa.
Dapat unang gawin ng pamahalaan ay ang pagpapatupad ng tunay na repormang agraryo sa pamamagitan ng libreng pamamahagi ng lupa.
Pagtalikod sa liberalization ng agrikultura sa pamamagitan ng pag-alis ng bansa sa World Trade Organization (WTO) at iba pang unfair trade agreements.
Gayundin ang pagbigay ng subsidyo sa mga magsasaka , post-harvest at marketing support sa mga farmers, libreng irigasyon at matigil na ang talamak na land use conversion.