SOLUSYON | Pagpupulong kung paano malulutas ang mabigat na daloy na trapiko, gaganapin ngayong araw

Manila, Philippines – Bukod sa ibat-ibang ahensya ng gobyerno at mga stakeholders na may kinalaman sa pagsasaayos ng daloy ng trapiko at transportasyon sa Metro Manila.

Inaasahan ding dadalo ang ilang mambabatas sa gaganaping forum na pangungunahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na gaganapin mamaya sa lungsod ng Pasay.

Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, dadalo din sa pagpupulong sina DOTr Secretary Tugade and Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Tim Orbos, Metro Manila mayors at ilang mga mambabatas.


Isa din sa mga guest speaker ay si Dr. Kim Wan Jib, Seoul Metropolitan Development Government Director sa idaraos na forum na pinamagatang “Intelligent Transportation System and Smart City Components”.

Inaasahang ipepresinta ni Kim ang integrated traffic management center na susi sa maayos na daloy ng trapiko sa Seoul South Korea na posibleng i-adopt dito sa Pilipinas.

Facebook Comments