Naglatag ng solusyon ang Private Sector Advisory Council (PSAC) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa mas malawak na access sa essential medicines sa bansa.
Sa pulong sa Malacanang, iminungkahi ng pribadong sector na palakasin ang health technology assessment council, upang mas marami pang essential medicines ang maisama sa Philippine National Formulary o ang listahan ng mahahalagang gamot na kaialangan ng publiko.
Ito umano ang magbibigay-daan sa pagiging “center of excellence” ng Pilipinas pagdating sa clinical trials.
Isinusulong din ang pagbibigay ng tax reliefs sa ilang pharmaceutical operations.
Sinabi naman ni Pangulong Marcos na tututukan ng pamahalaan ang pagbibigay ng essential healthcare services at medicines sa bawat Pilipino.