Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang tulong ng pamahalaan para sa mga apektadong magsasaka at taniman sa Occidental Mindoro dahil sa matinding tagtuyot.
Sa situation briefing sa San Jose, Occidental Mindoro, sinabi ng pangulo na may nakahanda ng plano ang pamahalaan sa mga natuyong taniman.
Partikular dito ang paglalagay ng dam mula sa San Jose, Magsaysay, iba pang lugar sa lalawigan.
Bukod dito ay mamamahagi rin ang pamahalaan ng solar power pump na hindi na kailangan pang ikabit sa kuryente.
Ilan pa sa mga iaabot na tulong ay ang 11 units ng pumps at engines mula sa Department of Agriculture, rice harvesters, tractors, mga bangka, small-scale composting facilities, at marami pang iba na makatutulong sa mga magsasaka.
Facebook Comments