SOLUSYON | Pinaigting na crackdown sa mga kolorum na sasakyan, masosolusyonan ang mabigat na trapiko sa Metro Manila – PNP Chief Ronald Dela Rosa

Manila, Philippines – Naniniwala si PNP Chief Ronald Dela Rosa na malaki ang maibabawas sa mabigat na trapiko sa Metro Manila ang mahigpit na crackdown o panghuhuli sa mga kolorum na bus at iba pang Public Utility Vehicles (PUV).

Ayon kay Dela Rosa, inatasan na niya ang PNP-Highway Patrol Group na paigtingin ang anti-kolorum operations sa Metro Manila lalo na sa Edsa.

Payo pa nito sa kanyang mga tauhan na i-intercept at i-impound ang mga lalabag na sasakyan.


Sa ngayon, aabot sa 100 pampasaherong bus ang na-impound ng PNP-HPG at iba pang police units sa Metro Manila at iba pang urban areas sa bansa kasunod ng trahedyang kinasangkutan ng isang Dimple Star bus sa Occidental Mindoro na kumitil ng 19 na buhay.

Facebook Comments