SOLUSYON | Problema sa pagtatanim ng palay sa Bohol, tutugunan na ng Department of Agriculture

Bohol -Nangako ang Department of Agriculture (DA) na palalaguin ang palay
production sa lalawigan ng Bohol.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, bagamat malawak ang
agricultural lands sa lalawigan mababa lamang ang average production ng
palay dahil sa makaluma pa ang pamamaraan ng pagtatanim dito.

Napagkasunduan ng DA at ng local government unit na ialok sa mga magsasaka
ang Production Loan Easy Access Program ng the Department of Agriculture sa
ilalim ng Agricultural Credit Policy Council upang makautang sila ng
puhunan.


Nais din ng DA na palawakin ang pagtatanim ng hybrid rice seeds at target
na kahit 50 porsiyento ng rice farms sa bawat bayan ay matamnan ng nito.

Una nang sinubukan ang pagtatanim ng binhi ng hybrid rice sa lalawigan at
nakitaan ito ng potensiyal na kayang maka-produce ng higit sa 11 metric
tons kada-ektarya mula sa kasalukuyang 2.6 metric tons na ani sa bawat
ektarya .

Sa susunod na linggo, magtutungo na sa Bohol ang mga kinatawan ng
Agricultural Credit Policy Council upang magbigay ng orientation workshops
sa mga magsasaka at mga asosasyon at kooperatiba para sa programang pautang.

Facebook Comments