Manila, Philippines – Ikinukunsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte na mungkahing suspendihin ang excise tax sa mga produktong langis para mapababa ang inflation.
Ayon kay Pangulong Duterte – pinag-aaralan na ni Finance Secretary Carlos Dominguez III ang posibilidad na bawasan ang excise tax sa langis ng ₱2.
Muling rin sinabi ng Pangulo – ang pagtaas ng presyo ng langis ay nakakaapekto sa pag-angat din ng inflation.
Aniya, sa kasamaaang palad walang oil resources ang Pilipinas at nakadepende lang ang bansa sa mga inaangkat na langis.
Matatandaang pumalo sa 6.7% ang inflation nitong Setyembre.
Facebook Comments