SOLUSYON | Rice tariffication isang long term solution sa problema sa bigas ng bansa

Manila, Philippines – Binigyang diin ng Palasyo ng Malacañang na ang pangmatagalang sa problemang kinakaharap ng bansa sa bigas ay ang pagkakaroon ng taripa sa mga papasok na bigas sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, mahalaga na papasukin ang bigas nang walang quota system o hindi nililimitahan ng National Food Authority (NFA).

Sinabi ni Roque, kailangang makapasok sa bansa ang maraming bigas na aangkatin ng pribadong sector at saka ito sisingilin ng taripa.


Paliwanag ni Roque, sa pamamagitan ng tariffication ay tatanggalin nito ang rice smuggling na siyang matagal nang hinahanapan ng solusyon ng pamahalaan.

Naniniwala din si Roque na makikinabang din dito ang mga magsasaka dahil mabibigyan sila ng tulong o subsidy ng Pamahalaan na magmumula sa taripa na sisingilin mula sa mga imported na bigas.

Facebook Comments