SOLUSYON | Rice Tariffication, pangmatagalang solusyon sa problema sa bigas ng bansa – ayon sa Malacañan

Manila, Philippines – Naniniwala ang Malacañang na pangmatagalang solusyon sa problema ng bansa sa bigas ang rice tariffication.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque – mahalaga na papasukin ang bigas nang walang quota system o hindi nililimitahan ng National Food Authority.

Aniya, kailangang makapasok sa bansa ang maraming bigas na aangkatin ng pribadong sector at saka ito sisingilin ng taripa.


Naniniwala si Roque na kapag naging legal ang importasyon ng mga pribadong sektor, mas mapapabilis nito ang proseso ng pag-aangkat ng bigas.

Bukod dito, maiiwasan din ang korapsyon at masasawata nito ang matagal nang problema ng bansa sa rice smuggling.

Facebook Comments