Inumpisahan na ang planong pagbibigay solusyon sa matagal nang problema ng mga Dagupeño – ang pagbaha pagsapit ng high tide season at paparating na tag-ulan.
Alinsunod dito, bilang adhikain ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang maibsan ang problemang pagbaha ay inumpisahan na ngayong araw ang pagsasaayos ng drainage system, gayundin ang pagtaas ng mga kalsadahan sa kahabaan ng Arellano hanggang sa MH Del Pilar at AB Fernandez Ave.
Matatandaan na nagkaroon ng mga pulong sa pagitan ng Department of Public Works and Highways o DPWH at ng lokal na pamahalaan ng lungsod, kasama pa ang ilang mga nagmamay-ari ng nakatayong mga business establishments na kinabibilangan ng bahaging isasaayos.
Inaasahan ang mas malalaki pang drainage system at road upgrading at widening na makatutulong sa pagbahang laging nararanasan partikular ang mga Dagupeño. |ifmnews
Facebook Comments