SOLUSYON SA ENDO | Security of Tenure Bill, pasado na sa ikatlo at huling pagbasa

Manila, Philippines – Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ang “Security of Tenure Bill” sa Mababang Kapulungan.

Sa botong 199 Yes at 7 No ay nakalusot na sa Kamara ang panukala na solusyon sa Endo ng mga manggagawa sa bansa.

Sa ilalim ng panukala ay inaamyendahan ang labor code na layong palakasin ang Security of Tenure ng mga manggagawa.


Nakasaad sa ipinasang panukala ang pagbabawal ng labor-only contracting.

Itinatakda naman sa mga job contractors ang pagkuha ng lisensya mula sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Ituturing na ding illegal dismissal sa isang empleyado ang hindi pagbibigay dito ng due process.

Dagdag pa dito, ang mga probationary employees na nakapagserbisyo na ng isang buwan ay kailangan nang bigyan ng termination pay na katumbas ng kalahating buwang sahod.

Facebook Comments