Solusyon sa isyu sa West Philiipine Sea, planong pag-usapan ng PCG sa pag-bisita ng ilang opisyal ng CCG

Inihayag ni Philippine Coast Guard Admiral Joel Garcia na posibleng pag-usapan nila ng mga opisyal ng China Coast Guard (CCG) ang isyu sa West Philiippine Sea.

Ayon kay Garcia, ito ang nakikita nilang pagkakataon para pag-usapan ang solusyon at hindi mauwi sa sigalot ang problema sa pagitan ng China at Pilipinas.

Bukod dito, sisikapin ipaabot ng PCG sa China na masiguro ang kaligtasan at seguridad ng mga mangingisdang pinoy na nagnanais na mag-punta sa pinagtatalunang teritoryo.


Sinabi pa ng opisyal na mahalagang marinig ng China ang panig ng Pilipinas at huwag ng pag-usapan pa ang mga nagdaang problema sa West Philippine Sea.

Ikinatuwa naman ni Garcia ang pagbibigay donasyon ng china coast guard gaya ng mga Food packs, bigas, mga delata at n95 mask para sa mga ilan nating kabababayan na apektado ng pagsabog ng bulkang taal.

Nabatid kasi na nalaman ng mga opisyal ng CCG ang nangyari sa bulkang taal habang papalayag sila papunta ng Pilipinas kaya kahit papaano ay nakapaghanda sila ng maibibigay na donasyon ay huli na nila nalaman na dumabog na ang Taal.

Agad naman ipapadala ng PCG ang mga donasyon ng china upang mapakinabangan ito ng mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Iginiit ni Garcia na ang pagvisita ng china ay para palakasin pa ang pakikipqg-ugnayan ng china sa pilipinas kung saan isa sa mga pag-uusapan ang karapatan ng bawat sa West Philippine Sea.

Bukod dito, susikapin ipaabot ng PCG na masiguro ang kaligtasan at seguridad ng mga mangingisdang pinoy na nagnanais na magpunta sa pinagtatalunang teritoryo ng China at Pilipinas.

Muli din iginiit ni Garcia na mas kailangan pagtuunan ng pansin ang pangmatagalang solusyon sa isyu kaysa pag-usapan ang mga nagdaang problema sa West Philippine Sea.

Sinabi pa ni Garcia na ito na din ang nakikita nilang pagkakataon para pag-usapan ang solusyon at hindi mauwicsa sigalot ang isyu sa pagitan ng China at Pilipinas.

Facebook Comments