Magdadagdag ang Department of Transportation (DOTr) ng bus units para mapa1ikli ang mahahabang pila ng pasahero sa EDSA Bus Carousel stations.
Nabatid na nag-viral sa social media noong Biyernes, June 11 ang litrato kung saan tila parang “ahas” na ang ikot ng mga pila sa ilang istasyon ng bus.
Ayon sa DOTr, ang pagdadagdag ng bus units ay bahagi ng hakbang ng kagawaran at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na makapagsilbi pa ng mas maraming commuter sa ilalim ng free ride program.
Itutulak nila sa EDSA Busway Consortium ang pagde-deploy ng mas maraming authorized bus units sa ilalim ng kanilang kontrata lalo na tuwing rush hours.
Magkakaroon din ng “rescue skip buses” sa mga EDSA bus stops na mabilis humaba ang pila lalo na kapag rush hour.
Magtatalaga rin ng karagdagang transport marshals para ayusin ang daloy ng mga pasahero sa mga istasyon.
Pagtitiyak ng DOTr at LTFRB na sinisikap nilang maresolba ang problemang ito.