Solusyon sa problema sa suplay at presyo ng bigas, pinatitiyak na mareresolba

Pinatitiyak ni Senator Grace Poe na magkakaroon ng solusyon sa problema sa suplay at presyo ng bigas sa bansa.

Kaugnay nito ay umaasa si Poe na ang pagpapatupad ng price ceiling sa bigas ay makapagbigay ng kasiguraduhan sa mga mamimili na mananatiling accessible ang bigas.

Magkagayunman, sinabi ni Poe na kailangan mailatag ang mga solusyon para manatiling matatag ang suplay at presyo ng bigas at makapagbigay ng kaunlaran sa agriculture sector lalong-lalo na sa ating mga magsasaka.


Aniya, kailangang matugunan ang walang humpay na smuggling at hoarding na patuloy na sumisira sa pagsisikap ng mga magsasaka na maitaas ang kanilang productivity, gayundin ang pagmodernisa sa agrikultura at pagpapababa sa retail price ng produkto.

Umapela si Poe sa Department of Agriculture na tiyaking ang benepisyo ng Rice Tariffication Law ay maipapaabot hanggang sa mga magsasaka para mapalakas ang kapasidad ng mga ito na maging competitive.

Tiwala ang mambabatas na prayoridad ng pamahalaan ang mga isyu lalo na ang presidente ang kasalukuyang namamahala sa DA.

Facebook Comments