SOLUSYON SA TRAPIKO | Emergency powers, hiniling ni Senator Grace Poe

Manila, Philippines – Hiniling ni Senadora Grace Poe na sertipikahan na ang emergency powers na ipinanukala niya hinggil sa sitwasyon ng trapiko sa bansa.

Ayon kay Poe – mas mapapabilis ang implementasyon ng mga proyekto na makakatulong para maibsan ang problema sa trapiko lalo na sa Metro Manila.

Punto pa ng Senadora, sa tulong ng sertipikasyon mula kay Pangulong Rodrigo Duterte ay mahihimok ang mga mambabatas na tutukan ang panukala para agad itong maipasa.


Gayumpaman, batid ni Poe na kasalukuyang prayoridad ng senado ang Tax Reform Program ng administrasyon.

Facebook Comments