Inilatag sa episode 25 ng programang Nutrisyon mo, Sagot ko ang mga aksyon para labanan ang triple burden of malnutrition.
Itinuturing kasing mabigat na panasin ng mga developing countries tulad ng Pilipinas ang triple burden of malnutrition na kinabibilangan ng undernutrition, micronutrient deficiency at over nutrition.
Ang undernutrition ay tumutukoy sa mga malnourished na nanay, mga bansot na batang edad limang taong gulang pababa, sobrang payat at chronic energy deficiency
Habang ang micronutrient deficiency o ang tinatawag na hidden hunger ay tumutukoy sa kakulangan ng mga micro nutrient na kailangan ng ating katawan upang mapagalaw ang ibat ibang sistema at organs sa ating katawan.
At ang over nutrition ay tumutukoy sa sobrang katawaan o obesity.
Sa pamamagitan ng guest expert na si Reginaldo Guillen, OIC-Chief ng Nutrition Policy and Planning Division ng National Nutrition Council, ay inilatag nito kung paano susugpuin ang triple burden of malnutrition sa pamamagitan ng bagong Philippine Plan of Action for Nutrition o PPAN.
Ayon kay Guillen, may apat na solusyon sa ilalim ng bagong PPAN kung saan una na rito ang pagsisiguro na madaragdagan ang access ng ating mga mamamayan sa masustansyang pagkain na kaya nilang mabili at makikita sa merkado.
Pangalawa aniya ay ang mahusay na gawi na layong mabago ang tingin at mga nakagawian ukol sa masustasyang pagkain kung saan sinisiguro nito na dapat mabago at masiguro na patungo ito sa maayos na kalusugan.
Halimbawa nito ay ang mga promosyon at mga serbisyo at programa na ipagkakaloob sa unang isang libong araw ng sanggol at kanyang ina.
Ang ikatlo ay pagsiguro na mapahusay ang serbisyo at kalidad ng serbisyo para sa kalusugan ng ating mamamayan na makakatugon sa suliran ng seguridad sa pagkain at malnutrisyon
At ang pang-apat ay magsiguro ng mga programa na mapapaayos ang suportang pang pinasyal, polisya at programa na kailangan may tamang kapasidad ang mga manggagawa sa kalusugan.
Sinabi ni Guillen na ang PPAN 2028 ay pang lang-labing isang plano ng bansa mula noong 1974 kung saan ito ay estratihikong plano o polisiya ng bansa para sa pagtugon sa usapin ng malnutrisyon at pagkain
Target nito ang tatlumput apat na probinsya sa Pilipinas.