Manila, Philippines – Kasunod ng pagpapatupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng pagbabawal sa driver-only vehicles sa ilalim ng expanded High Occupancy Vehicle (HOV) traffic scheme.
May ilan pa ring solong motorista ang nagpapasaway at hindi sumusunod sa nasabing polisiya ng MMDA.
Ayon kay MMDA Supervising Officer Bong Nebrija kung patuloy na magpapasaway ang mga single na motorista at ipipilit ang gusto nilang dumaan sa EDSA kahit na rush hour sa pamamagitan ng paglalagay ng sobrang dilim na tint sa kani-kanilang mga sasakyan o pagsama ng mannequin sa kanilang byahe.
Mapipilitan anila silang bumili ng mga thermal cameras.
Sinabi ni Nebrija sa pamamagitan nito malalaman kahit na heavily tinted ang sasakyan kung iisa lamang ang sakay nito.
Aminado man si Nebrija na may kamahalaan ang thermal cameras pero iginiit nitong hindi sila magpapatalo sa mga pasaway na mga motorista dahil ipinatutupad lamang nila ang mga kahalintulad na batas trapiko upang lumawag kahit papaano ang daloy ng trapiko partikular sa kahabaan ng EDSA.
Sa ngayon sinisita pa lamang ang mga lalabag sa expanded High Occupancy Vehicle (HOV) traffic scheme pero pagsapit ng August 23 magsisimula nang manghuli ang mga tauhan ng MMDA.