Solvent boys, nirescue sa Barangay Pinyahan, Quezon City

Quezon City – Ilang kabataan na sumisinghot ng solvent sa ilalim ng flyover sa East Avenue, Quezon City ang na-rescue ng mga tauhan ng Barangay Pinayahan kanina.

Isinagawa ang operasyon kasunod na rin ng reklamo ng ilang residente na lagi nilang nakikitang lango sa solvent ang mga kabataan.

Aminado naman ang mga magulang ng ilan sa mga nahuli na hindi nila nababantayan ang kanilang mga anak dahil abala sa trabaho.


Nasa edad sampu hanggang labing-anim ang mga kabataang nahuli na mananatili sa barangay hall hangga’t hindi sinusundo ng kanilang mga magulang.

Facebook Comments