Kenya – Umakyat na sa labing lima ang patay sa pag-atake ng mga armadong lalaki sa isang hotel sa Nairobi, Kenya.
Kasabay nito, inako ng Somali Islamist Militant Group na Al-Shabaab ang pag-atake na itinuturing ng mga otoridad na isang “terror attack”.
Sinabi ni Ministry of Interior and Coordination of National Cabinet Secretary Fred Matiang’, inaasahang tataas pa ang bilang ng mga nasawi.
Sa pag-atake ng Al-Shabaab, pinasok nito ang five-star hotel at pinasabugan ang ilang sasakyan habang walang habas silang nagpaputok ng kanilang mga baril.
Facebook Comments