Manila, Philippines – Sisimulan nang ilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa susunod na buwan ang bagong mukha ng mga barya o New Generation Currency (NGC) coin series.
Unang, ipapakalat ng BSP sa sirkulasyon ang bagong limang pisong barya kung saan tampok na si Gat. Andres Bonifacio na founder ng katipunan.
Papalitan nito ang orihinal na nakaukit sa limang piso na si Emilio Aguinaldo na siyang unang Pangulo ng Pilipinas.
Ayon sa BSP, ang maagang paglalabas ng limang piso ay bilang paggunita sa 120-taong anibersaryo ng kamatayan ni Bonifacio noong Mayo 10 at kanyang 154-taong kaarawan na ipinagdiriwang ngayong araw.
Nabatid na makikita sa kasalukuyang 10-peso coin si Bonifacio kasama ang bayaning si Apolinario Mabini.
Pinalakas din ang security features nito para maiwasan ang pagpeke rito.
Nakatakdang ilalabas sa Enero ng susunod na taon ang iba pang bagong henerasyong barya.
SOMETHING NEW | Bagong 5 peso coin, ilalabas
Facebook Comments