SONA 2018 | Maximum tolerance sa SONA, ipinag-utos ng Pangulong Duterte sa PNP at AFP

Manila, Philippines – Ipinag-utos ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na ipatupad ang maximum tolerance sa mga nais mag-protesta sa kaniyang ikatlong State of the Nation Address (SONA).

Pero iginiit ni Duterte na ayaw niyang makita ang kaniyang mga pulis na may mga bitbit na armas kung saan ayaw din niya na makita ang mga ito na pinipigilan ang mga raliyista.

Inimbitahan din ng Pangulo ang mga kritiko niya na sumama sa rally at kanilang ihayag ang saloobin dahil karapatan daw nila ito bilang mga Pilipino.


Magaganap naman ang ikatlong SONA ng Pangulong Duterte sa joint session ng Kongreso sa July 23 kung saan isinagawa kahapon ang forum na may tema na pinamagatang, “Tatak ng Pagbabago: Tatak ng Pag-unlad”.

Facebook Comments