SONA 2018 | Mga taga oposisyon at mga militanteng grupo hindi pipigilan ng Pangulo na mag kilos protesta sa araw ng SONA

Manila, Philippines – Hinikayat pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga militanteng grupo at mga taga oposisyon na lumabas sa kalsada at magsagawa ng kilos protesta sa araw ng kanyang State of the Nation Address o SONA sa 23 ng Hulyo.

Ayon kay Pangulong Duterte, marami na siyang naipatupad na pagbabago sa gobyerno at marami pa siyang gustong baguhin pero hindi pa rin nawawala ang katiwalian sa pamahalaan.

Pero kung ang mga taga oposisyon at mga militanteng grupo ay magra-rally ay hahayaan lang niya ang mga ito dahil ito ay constitutional right ng bawat Pilipino.


Sinabi pa ng Pangulo na handa siyang magdeklara ng suspensyon ng pasok para mailabas ng mamamayan ang kanilang mga hinaing sa araw ng SONA at ang gusto pa ng Pangulo na mag pista pa ang lahat ng mga ito sa kaniyang SONA sa kalsada.

Aatasan din naman ng Pangulo ang AFP at ang PNP na magpatad ng maximum tolerance at umatras lamang hanggang maipit na ang mga ito pader at saka lang maaaring umabante ng kaunti.

Facebook Comments