SONA 2018 | Pre-SONA forum ipagpapatuloy ngayong araw

Manila, Philippines – Ilang araw bago ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 23.

Ipagpapatuloy ng Office of the Cabinet Secretary at ng Presidential Communications Operations Office (PCCO) ang Pre-SONA forum na layuning bigyan ng ideya ang publiko sa nagawa na at gagawin pa lamang o plano sa mga susunod na taon ng Duterte Administrator.

Ang forum ngayong araw ay may titulong “Tatak ng Pagbabago: Tatak ng Malasakit at Pagkakaisa” na lalahukan ng participatory governance cluster and human development and poverty reduction cluster ng Duterte Administrator.


Inaasahang dadalo at magbibigay ng kani-kanilang talumpati sina DBM Secretary Benjamin Diokno, DILG OIC Eduardo Año at HDPRC Chair Acting Secretary Virginia Orogo.

Samantala, sa July 18 naman ang ikatlo at huling pre-SONA forum na ‘Tatak ng Katatagan’ na lalahukan ng Climate Change Adaptation and Mitigation and Disaster Risk Reduction (CCAM-DRR) and Security, Justice and Peace clusters ng Duterte Administrator.

Idaraos ang pre-SONA forum mamaya sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.

Facebook Comments