SONA 2018 | Seating capacity sa plenaryo para sa SONA ni P-Duterte, dinoble ng Kamara

Manila, Philippines – Dinoble ng Kamara ang seating capacity sa plenaryo para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa darating na Lunes, Hulyo 23.

Ayon kay House Secretary General Cesar Pareja, ito ay para ma-accommodate ang dami ng bilang ng mga guests sa SONA ng Pangulo.

Daragdagan pa nila ng 1,5000 monobloc chairs ang plenaryo na kasalukuyang mayroong 1,500 seating capacity.


Pero nangangamba sila na baka sumobra sa 3,000 ang bilang ng mga guests na tutungo sa session hall kaya at masyado na itong “congested”.

Kanila na din tinitingnan ang magiging epekto nito sa safety features na dapat nilang sundin.

Facebook Comments