SONA 2018 | Seguridad para sa ikatlong SONA ni Pangulong Duterte, nakalatag na – PNP

Manila, Philippines – Nakalatag na ang seguridad para sa kaniyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 23.

Ayon kay PNP Spokesperson Senior Superintendent Benigno Durana, wala silang namo-monitor na anumang banta sa seguridad na may kaugnayan sa SONA.

Gayunman, nagpapatuloy pa rin aniya ang kanilang intelligence gathering sa mga posibleng banta sa SONA.


Nabatid na aabot sa 7,000 mga pulis, mga tauhan ng MMDA at mga tauhan ng Quezon City Public Order and Safety ang ipapakalat sa paligid ng Batasan Co mplex.

Bukod sa mga itinalagang pulisya, magbibigay alalay din ang nasa 600 karagdagang pwersa mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Facebook Comments