SONA | 40 mga representante mula CHR nakakalat sa mga command post para sa SONA

Manila, Philippines – Nakakalat na ngayon sa kahabaan ng Commonwealth Avenue dito sa Quezon City ang apatnapung mga representante mula sa Commission on Human Rights (CHR).

Ayon kay National Capital Region Police Office Regional Director Guillermo Eleazar ang mga representante ng CHR ay sumasama sa pagiikot ng 21 sub task group.

Partikular nilang babantayan ang kilos ng 13 PNP Civil Disturbance Management Contingent na ngayon ay naka-deploy para magbantay sa rally ng anti at pro-Duterte.


Pero posible ayon kay Eleazar mas tutok ang mga taga CHR sa rally ng Anti-Duterte na ngayon ay nakatakdang magsagawa ng program sa harap ng St. Peter Church sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.

Matatandaang una nang iniutos ni PNP Chief Police Dir General Oscar Albayalde kay NCRPO Chief Eleazar na makipag-ugnayan sa CHR para sa SONA.

Layon aniya nitong maging mas accountable ang mga pulis sa kanilang trabaho at magkaroon sila ng unbiased defenders sakaling may mga maling paratang na human rights violation laban sa PNP.

Facebook Comments