Manila, Philippines – Hindi pupunta si acting Chief Justice Antonio Carpio sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes (July 23).
Ayon kay House Secretary General Cesar Pareja, tumanggi raw ang kampo ni Carpio sa imbitasyon na ipinadala para sa kaniya at nagpaabot na rin siya ng kanyang paumanhin.
Iginiit pa ni Pareja na hindi niya alam kung ano ang dahilan ni Carpio habang dadalo naman si Vice President Leni Robredo.
Nabatid na inaasahan daw ni Vice President Robredo na isa sa tatalakayin ni Pangulo Duterte ang tungkol sa inflation rate sa bansa maging ang pagtaas ng unemployment base sa isang survey.
Nauna naman nagpasabi si dating Pangulong Benigno Aquino III na hindi siya makakadalo sa ikatlong SONA ng Pangulong Duterte.