Manila, Philippines – Pinuri ni Robin Padilla ang movie director na si Joyce Bernal dahil sa hindi nito pagpapabayad sa pag-direk niya sa SONA ni Pangulong Duterte.
Idinaan ni Robin sa instagram ang pagpuri niya kay Bernal.
Nauna nang sinabi ni Bernal na karangalan para sa kanya na mag-direk ng SONA kaya hindi siya nagpabayad.
Samantala si Bernal din ang magsisilbing producer ng ginagawa nilang pelikula ngayon na “children of the lake” kasama ang co-producer na si Piolo Pascual habang ilan sa mga bibida sa pelikula sina Robin Padilla, Cid Lucero, Mylene Dizon, at Jasmine Curtis-Smith.
Iikot ang kwento sa pagkikipagbakbakan ng mga sundalo sa mga teroristang ISIS at pagligtas sa mga bihag nito sa Marawi City.
Ang pelikula ay ide-derek ni Sheron Dayoc na nasa likod ng gawad Urian-Winning movie na Women of the Weeping River (2016).
Target itong maipalabas sa anibersaryo ng Marawi sa Mayo o sa Independence Day sa Hunyo ng susunod na taon.