SONA guests, dapat fully vaccinated

Malabo pa ring mangyari ang tradisyunal na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong taon.

Ang banta ng COVID-19 pandemic ay nakakaapekto pa rin sa paghahanda sa ika-anim at huling address ng pangulo sa Kongreso sa July 26.

Ayon kay Presidential Communications and Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, ipagmamalaki ni Pangulong Duterte sa kanyang huling SONA ang mga napagtagumpayan ng kanyang administrasyon at mga plano sa huling niyang taon sa pwesto.


Aniya, magkakaroon ng mahigpit na health regulations, kung saan ang mga panauhing dadalo ay dapat fully vaccinated laban sa COVID-19.

Mananatiling requirement ang pagpapasa ng negatibong RT-PCR test result.

Tulad noong nakaraang taon, ang mga mamamahayag mula sa mga pribadong media entities ay pagbabawalan pa ring mag-cover ng SONA ng pangulo sa loob ng Batasang Pambansa, at tanging government media entities lamang ang papayagang mag-cover ng event.

Facebook Comments