SONA | Latag ng seguridad sa SONA ni Pangulong Duterte sa Lunes, pinaplantsa na

Manila, Philippines – Nakatakdang makipagpulong ang pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa ibat-ibang sangay ng pamahalaan kaugnay ng nalalapit na ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, July 23.

Ayon kay NCRPO Chief Director General Guillermo Eleazar bukas magaganap ang pulong sa pagitan nila at ng MMDA, AFP, BFP at mga lokal na pamahalaan.

Sinabi pa ni Eleazar na welcome din at inimbitahan din nila ang mga taga-Commission on Human Rights (CHR).


Layon ng pulong na plantsahin ang latag ng seguridad sa SONA ng Pangulo sa Lunes at upang ipaalala sa mga otoridad na pairalin ang maximum tolerance.

Inaasahan kasing kaliwat kanan ang isasagawang kilos protesta ng ibat-ibang militanteng grupo upang ilabas ang saloobin at hinanakit sa Duterte Administration.

Facebook Comments