SONA ng pangulo, naging generally peaceful – PNP

Naging mapayapa ang pagdaraos ng ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kahapon, July 24.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) PIO Chief PBGen. Red Maranan, naging maayos at payapa sa kabuuan ang SONA ng pangulo kung saan, wala namang naitalang untoward incident.

Nagpapasalamat aniya ang PNP sa lahat ng kapulisan, sundalo, mga force multipliers maging sa publiko dahil sa pakikiisa para sa pagdaraos ng mapayapang SONA ng pangulo.


Samantala, dismayado naman si QCPD Chief Director Gen. Nicolas Torre dahil nag-trending sa social media na tinapatan umano ng mga pulis na nagvi-videoke ang mga nagwelga kahapon sa kahabaan ng Commonwealth Ave.

Aniya, nuon pa man ay mayruon nang ganitong uri ng entertainment kasama ang NCRPO marching band.

Sa katunayan aniya, ang mga militante pa ang dumikit kung nasaan ang mga kumakantang pulis at duon inangguluhan ng nag-post na hindi makapaghayag ng saloobin ang mga demonstrador dahil tinatapatan sila ng ingay ng mga pulis.

Giit ni Torre, sasampahan nila ng kaso ang nagpakalat sa social media maging ang mga militanteng nag-rally ng walang kaukulang permit maging yung mga nagsunog ng effigy.

Facebook Comments