General Santos City, Philippines – Pasado para sa ilang opisyal ng lunsod ng General Santos ang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Binigyan ni Gensan City Mayor Ronel Rivera ng 9 na grado si Pangulong Duterte dahil narin sa mga naging magandang performance nito kahit isang taon palang ito sa kanyang serbisyo. isa sa naging magandang kampanya umano ng pangulo ang hinggil sa illegal drugs na naging pangunahing problema ng bansa.
Ikinatuwa naman ni Gensan City Councilor Beth Bagonoc ang sinabi ng pangulo sa kanyang SONA hinggil sa mining.
Sinabi nito na dapat lang bigyan ng pinakamataas na buwis ang mga mining company dahil narin sa dinudulot nilang sira sa kalikasan. Sinaluduhan din nito ang pangulo ng humarap ito sa mga raliyista matapos ng kanyang SONA.
Tinawag naman ni Councilor Lourdes Casabuena ang Pangulo na “Man of Action” dahil ibinase nito sa kanyang personal experience ang sagot ng pangunahing problema ng bansa. Ang hindi lang nito nagustuhan sa naging pahayag ng pangulo sa kanyang SONA ay ang rekomendayon nitong pagbalik ng Death penalty dahil para sa kanya may pagbabago pa sa isang criminal.
SONA ng pangulo, pasado sa ilang opisyal ng Gensan
Facebook Comments