SONA ni PBBM, dapat gawing simple sa harap ng pananalasa ng kalamidad

Iginiit ni Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña sa Senado at Kamara na gawing simple lang ang pagdaraos ng State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Panawagan ito ni Cendaña sa harap ng patuloy na pananalasa ng bagyo at habagat na nagdudulot ng malawakang pagbaha kung saan milyon-milyong komunidad sa bansa ang apektado at hindi pa rin nakababangon.

Sabi ni Cendaña, magpapakita ng kawalang pakiramdam o kawalan ng konsiderasyon kung magiging magarbo ang pagsasagawa ng SONA habang marami tayong mga kababayan ang nagdurusa, inilikas, at wala nang matirhan dahil sa kalamidad.

Diin pa ni Cendaña, malinaw sa konstitusyon na bahagi ng trababo ng pangulo ang SONA o paglalahad ng report sa Kongreso at sambayanan at hindi ito isang fashion gala.

Facebook Comments