SONA ni PBBM, nagdagdag pa ng pwersa ng mga pulis para bantayan ang seguridad ng pangulo

Itinaas pa sa 23,000 ng National Capital Region Police Office o NCRPO ang bilang ng pwersa na magbabantay para sa ikatlong State of the Nation Address ng Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa Lunes.

Ayon kay NCRPO Director Police Major General Jose Melencio Nartatez Jr., nagdagdag pa sila ng pwersa mula sa Region 3 at 4A na mga pulis.

Binigyang diin ni Nartatez na hindi overkill ang kanilang itinalagang pwersa para sa SONA lalo pa’t maraming bilang din ng pro at anti-administration ang magtitipon-tipon.


Sa pahayag ng grupong BAYAN, aabot sa sampung libo ang sasama sa people SONA sa Lunes sa Commonwealth Avenue habang sampung libong pro-Marcos din ang inaasahan na magtitipon-tipon sa Commission on Audit (COA) -Sandigan-Commonwealth Area.
Paliwanag ni Nartatez hindi pa kasama rito ang limang libong tao na magtitipon-tipon sa Liwasang Bonifacio na taga-suporta umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Aniya, kung tutuusin ang 23,000 na pwersa ng gobyerno ay kulang pa para tapatan ang iba’t ibang grupo na may kaniya-kaniyang aktibidad sa Lunes.

Kasunod nito, tatlong araw bago ang SONA, nananatiling walang namo-monitor na anumang banta ang PNP .

Facebook Comments