“SONAgkaisa” protest, ikakasa ng labor groups

Magmamartsa sa Lunes, July 27, 2020, ang labor groups sa ilalim ng United Workers para ikasa ang “SONAgkaisa” protest.

Ang grupo ay binubuo ng Kilusang Mayo Uno (KMU), Nagkaisa Labor Coalition at Pagkakaisa ng Uring Manggagawa (Paggawa).

Mariing nilang tinututulan ang ilang anti-worker policies ng pamahalaan, kabilang ang kawalan ng social protection program sa milyung-milyong nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.


Ayon kay Nagkaisa Chairperson at Federation of Free Workers (FFW) President Sonny Matula, nananawagan sila sa Department of Labor and Employment (DOLE) na ibasura ang Department Order 213 na siyang nagsususpinde sa labor inspections at legal proceedings na maaaring i-avail ng manggagawa para protektahan ang kanilang karapatan.

Pinababasura rin nila ang Labor Advisor 17, na hinihikayat ang mga kompanya na magtapyas ng sahod at benepisyo.

Ipinapanawagan ni KMU Chairperson Elmer Labor na ibasura ang Anti-Terrorism Law dahil magbibigay daan lamang ito sa mga pagpatay, ilegal na pag-aresto at pagkulong, harassment at pagbabanta, maging ang criminalization ng pagsasagawa ng strikes.

Facebook Comments