Song Hye Kyo walang alam sa pagfifile ng divorce ni Song Joong Ki

Images via Soompi

Maugong ngayon sa cyberworld ang balitang hindi sinabi ni Song Joong Ki ang filing ng divorce kay Song Hye Kyo.

Bumungad kay Hye Kyo ang ulat ng paghain ng diborsyo ni Joong Ki pagkauwi niya galing sa isang photoshoot sa Thailand. Nalaman niya pa ang ibang detalye mula sa kaibigan at local media.

Kuwento pa ng malalapit sa aktor, nagsilbing warning ang diborsyo para hindi magbigay ng reaksyon o pahayag si Hye Kyo tungkol sa nangyaring hiwalayan.


Inaasahang sisimulan ng Seoul Family Court ang arbitration process ng divorce ngayong buwan.

Matatandaang inanunsyo ng abogado ni Joong Ki ang paghain nito ng divorce noong Hunyo 26. Sa parehong araw, sinabi ng kampo ni Hye Kyo na differences in personality ang dahilan kung bakit humantong sa not-so-happy-ending ang kanilang pagsasama.

Kinasal ang #SongsongCouple noong Oktubre 31, 2017.

Facebook Comments