Sunday, May 19, 2024

Song Joong Ki at Song Hye Kyo nag-file ng divorce matapos ang 2 taon pagsasama

File photo

Tuluyan nagwakas ang fairy tale love story nina Song Joong Ki, 33, at Song Hye Kyo, 37 matapos mag-file ang aktor ng divorce sa Seoul Family Court nitong Miyerkules, Hunyo 26.

Kinumpirma mismo ng abogado ni Joong Ki ang hiwalayan.

Ayon sa abogado, humingi ng paumanhin at pang-unawa mula sa mga fans ang South Korean actor.

Dalawang taon lamang nagsama ang most favorite couple ng madla. Nangyari ang intimate outdoor wedding nina Joong Ki at Hye Kyo noong Oktubre 31, 2017 sa Shilla Hotel, South Korea.

Nabuo ang kanilang matamis na pagmamahal noong nagtambal sila sa hit at popular Koreanovela series na “Descendants of the Sun” taong 2016.

Basahin ang kabuuang pahayag ni Song Joong Ki:

“Hello. This is Song Joong Ki.

“First, I’d like to apologize for delivering this unfortunate news to the many fans who love and care for me.

“I have begun the process of filing for divorce from Song Hye Kyo.

“Rather than denouncing one another and arguing over who is to blame, I hope that the divorce process can be wrapped up amicably.

“I ask for your understanding in regards to the fact that it is difficult to discuss the details of my personal life, and I will recover from my current wounds and do my utmost as an actor to repay you through great productions in the future.

“Thank you.”

 

Facebook Comments