Song Joong-ki at Song Hye-kyo, paghahatian ang combined net assets na $86.5 milyon

Tampok sa internet ang kamakailan lamang na balitang nag-file ng divorce na sina Song Joong-ki at Song Hye-kyo, South Korean stars na nakilala sa Descendants of the Sun.

Inihayag din na ang kanilang combined net assets ay aabot sa 100 bilyon won ($86.5 milyon) o P4.4 bilyon na umani naman ng reaksyon mula sa mga netizen.

“Noong ikasal sila umasa ang lahat na habang buhay ang pag-ibig, ‘yun pala sa hiwalayan din ang hantungan. When the love is gone,” ani Rodel Menguito.


“Grabe para naman sinabing scripted lahat pati pagpapakasal nila. Oo malaki nga yung P4.4 bilyon pero sana inisip din nila yung mararamdaman ng fans nila hindi pera-pera lang. At isa na ako don, perfect na sila eh,” komento naman ni Jhen Leyva.

Kinumpirma ni Park Jae Hyun, abogado ni Song Joong-ki na nag-file siya ng divorce nitong Hunyo 26 sa Seoul Family Court.

Habang ikinasal naman ang Songsong couple noong Oktubre 31, 2017.

Facebook Comments