SORBETES, TOP 3 SA BEST DISHES NG MANGO SA BUONG ASYA

CAUAYAN CITY – Nasungkit ng Pilipinas ang ikatlong pwesto sa top 10 na pinakamasarap na pagkain gamit ang prutas na Mango.

Sa ginawang survey ng TasteAtlas para sa June 2024 best rated dishes with mango, nakakuha ang patok na sorbetes ice cream ng mga pinoy ng kahanga-hangang 4.2 rating.

Ang Sorbetes ay isang sikat na Filipino ice cream na may lasa ng mga sangkap tulad ng mangga, tsokolate, keso, niyog, at purple yam (ube).


Ito ay ginawa mula sa gatas ng kalabaw at inihahain sa maliliit na scoop sa mga sugar cone.
Ilan sa mga Pinoy ay gustong ubusin ito sa pagitan ng mga tinapay, tulad ng isang hamburger.

Samantala, Top 1 naman sa listahan ang Aamras ng India, at Top 2 naman ang Mango Sticky Rice ng Thailand, habang pasok din sa listahan ang mango dishes mula sa mga bansang Indonesia, at China.

Facebook Comments