Nagnegatibo sa iligal na droga ang apatnapu’t limang opisyal ng Ilocos Police Regional Office (PRO-1) kasunod ng hindi ipinaalam o surprised drug test.
Binubuo ang mga ito ng 38 Police Commissioned Officers, kabilang ang mga senior officers at pitong Police Non-Commissioned Officers kung saan isinailalim ang mga ito sa drug test sa isang command conference noong Miyerkules.
Sa pahayag na inilabas nitong Huwebes, sinabi ni PRO-1 regional director Brig. Gen. John Chua na ang lahat ng dumalo ay hindi pinayagang makalabas ng conference room nang hindi nasusuri.
Ayon pa sa opisyal, ang pagsasagawa ng drug test na ito ay bahagi ng kanilang regular at tuluy-tuloy na pagsisikap sa pagpapanatili ng mga natamo ng internal cleansing program ng Philippine National Police sa pamamagitan ng paglilinis sa kanilang hanay.
Isinailalim din ng Regional Forensic Unit ng PRO-1 ang 29 na operatiba mula sa Regional Drug Enforcement Unit sa sorpresang drug test na negatibo rin sa paggamit ng droga.
Dagdag pa niya, dapat magsimula sa loob ng kanilang organisasyon ang pagpapatupad ng pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga.
Samantala, kamakailan ay nakipagtulungan ang PRO-1 sa Battle Against Drugs (BAD), isang non-government organization, sa kampanya nito laban sa iligal na droga, na pinupuntirya ang mga kabataan sa rehiyon.
Sinabi naman ni PCpt. Karol Elizabeth Baloco, PRO-1 information officer, na layunin ng PNP at BADna ilantad ang masamang epekto ng ilegal na droga sa bansa sa pamamagitan ng pagsasagawa ng pagsasanay, symposium at seminar sa iba’t ibang pampubliko at pribadong paaralan sa grassroots level ng komunidad na may tulong mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at stakeholder. |ifmnews
Facebook Comments