Sorpresang mandatory drug test, i-sinagawa ng PDEA sa mga bus drivers sa mga terminal sa Pasay City at Quezon City

Upang matiyak ang ligtas na biyahe ng mga pasahero ng mga pauwi ng probinsiya kaugnay ng undas, sabay na nag-sagawa ng mandatory drug test ang Philippine Drug Enforcement Agency sa mg bus drivers sa mga terminal sa Pasay City at Quezon City.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, inilunsad nila ang oplan “UNDASPOT sa layuning mabantayan  ang mga bus driver na pang malayuan ang biyahe.

Ilan sa mga ito sa pagna-nais na maging alerto at mapag-labanan ang pagod ay bumabatak muna ng shabu.


Katuwang dito ng PDEA ang Land Transportation Office at Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Kabilang sa mga sumailalim sa sorpresang drug test ay mga driver ng JAC Liner Bus Terminal, Philtranco, sa Pasay City; Partas Bus Terminal, Five Star Bus Terminal, sa Cubao, Quezon City.

Magu-gunita na Mula October 29-31, 2018), Abot sa 19,087 drivers, conductors ng mga public transport services ang sumailalim sa drug test.

Facebook Comments