Sorsogon Rep. Ditas Ramos, pumanaw na

141

Kinumpirma ni Deputy Speaker Raneo Abu ang pagpanaw ngayong araw ni Sorsogon Rep. Ditas Ramos.

Wala pang pahayag ang pamilya kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng kongresista.

Matatandaang nagpositibo si Ramos sa COVID-19.

Nauna nang sinabi ni House Secretary-General Jose Luis Montales na nakaramdam ng mga sintomas ng COVID-19 si Ramos habang nasa kanyang probinsiya at nang magpasuri ay positibo nga ito sa coronavirus disease.

Sa sesyon ngayong hapon, nag-alay ng panalangin para sa yumaong mambabatas ang mga kasamahan nitong kongresista.

Facebook Comments