Sotto, iginiit na pagkilala sa drug war ng administrasyong Duterte ang dahilan ng paghalal ng Pilipinas sa UNHRC

Manila, Philippines – Ikinatuwa ni Senate President Tito Sotto III ang paghalal sa Pilipinas para maging miyembro muli ng United Nations Human Rights Council o UNHRC.

Para kay Sotto, malinaw na ito ay pagkilala ng international community sa husay ng drug war ng administrasyong Duterte.

Paliwanag ni Sotto, hindi lang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo ay salot talaga sa lipunan ang ilegal na droga kaya puspusan ang mga hakbang laban dito ng pamahalaan.


Naniniwala si Sotto na misinformed lang ang mga bumabatikos sa war on drugs na ikinasa ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments