Pinahayag ni Vicente “Tito” Sotto III na interesado si Imee Marcos na mamuno sa “ways and means committee” sa Senado.
Ang “ways and means committee” ay ang financial committee sa Senado kung saan nakailalim dito ang mga lahat ng nauugnay sa taxation, revenue at tariffs ayon ito sa Rule X, Seksyon 13 ng panuntunan sa Senado.
Nakasalukuyang nakaupo rito si Senator Loren Legarda at ayon kay Sotto plano nilang i-elect dito si Sonny Angara.
Dagdag rin ni Sotto, walang may plano sa mga senador ang mamuno dito ngunit narinig niyang interesado si Imee dito.
Sa darating na pagbubukas ng 18th Congress sa Hunyo, si Sotto ang napagdesisyunan na maging Senate President.
Nanalo si Imee Marcos sa ‘Magic 12’ kung saan siya nasa ikawalong puwesto na may 15 na milyong boto.