Inilipat na sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga source code na gagamitin sa May 2022 Elections mula sa vault ng Commission on Elections (COMELEC).
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, ito ay upang maprotektahan ang integridad at kredibilidad ng isasagawang eleksyon.
Aniya, ang source code ay ang puso at kaluluwa ng election system kung kaya’t ang pagprotekta rito ay sapat ng garantiya na ito ay mapagkakatiwalaan sa araw ng halalan.
Sa ngayon ay nasa pag-iingat na Central Bank ang source codes for the election management system (EMS), vote-counting machine (VCM), at consolidation and canvassing system (CCS).
Tiniyak din ng BSP sa publiko na tanging ang COMELEC lamang ang may access sa mga source code.
Facebook Comments