Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi pa dominant o malawak ang pagkalat ng COVID-19 variants sa Pilipinas.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, lumabas lang sa datos na ang South African at United Kingdom variant ang may pinakamalaking bilang na na-detect mula sa mga pinag-aralang samples partikular sa National Capital Region at Calabarzon.
Aniya, piling samples lang kasi ang isinailalim sa “whole genome sequencing” dahil limitado lang din ang bilang na pwedeng dumaan sa naturang proseso.
Batay sa datos ng DOH, mayroon nang 18 percent o 1,075 cases ng South African variant sa bansa.
Ang mga UK variant cases naman ay nasa 16 percent o 948 habang 0.3 percent o dalawa ang bilang ng Brazilian variant at nasa 2.6 percent o 157 ang bilang P.3 variant na unang nadiskubre sa Pilipinas.